long time no blog..
Babe, sorry.. Medyo matagal din akong hindi nakapag-blog. Yung as in kwento sa iyo. Hahaha! May work na kasi ako. Nung July 2 ako nag-start. Yes! :) May work experience na rin ako! Ang saya kasi malapit lang ako. Walang gastos, libre ng food, nakakauwi pa ako sa bahay ng 12-1pm. :)
Ayun. as usual nakakapagod. Ang daming ginagawa. Minsan nga di ko na ma-check ang phone ko dahil sobrang busy. At kung makapagpahinga, mga 10 mins lang, gora na ulit. Pero okay lang. Kering keri. At natutuwa ako. Eto kasi yung gusto kong work, ung sulit ang pagod, at sa katapusan (July 31) may sahod na kami.. Yesss! :)
God knows how to make me happy. Failed man ako sa ibang bagay, binigyan niya parin ako ng maraming reasons para maging masaya.. At, next time, I promise to do my best. I will. Thank you God :)
Tapos eto naman, yung crush ko, hindi ko pa nakikita.. Hahaha! Nasa iisang building lang kami pero hindi kami magtagpo. Palagi ako dumadaan sa office nila, hindi ko naman siya mamataan. Sabi ni Ate, nakasabay niya daw one time.. At minsan daw bumibili kay Mama. Sana makita ko na siya sa mga susunod na araw.
Hey, babe.. Next week ulit, magku-kwento ako. Wala lang. Sobrang hirap kasi mag-kwento sa public eh. Pigil kilig nga ako palagi eh.. Hahaha! Next time nalang ako magku-kwento kapag okay na.. Wushu! :)
-MYKA :)